Friday, July 18, 2014

Alam mong nasa PNR ka kung…

Last year, I discovered the Philippine National Railway when the queues at the MRT were crazy, making my usually 2.5-hour travel to work longer.

I instantly developed a love-hate relationship with PNR. It’s like MRT, but not quite. Oh, the beauty of it!

So, pano mo malalaman na nasa PNR ka at hindi sa MRT o LRT? Alam mong nasa PNR ka kung…

#sa halagang Php10, makakarating ka na sa EDSA-Magallanes mula Tutuban.

#hindi token o magnetic card ang gamit mo para makapasok kundi isang ticket na gawa sa papel.

#pagpasok mo sa train station, hindi ibig sabihin hayahay na ang buhay dahil kailangan mong protektahan ang sarili mo sa init ng araw o sa patak ng ulan dahil wala naman itong waiting shed o kung meron man, kapiranggot lang.

#ang mga upuan kung saan ka maghihintay ng tren ay mga kapirasong troso lang na maaaring ikalala ng rayuma mo o ikamantsa ng uniform mo o ikapunit ng damit mo. Mamili ka na lang sa tatlo.

#dati, naiinis na namamangha ka sa mga taong tumatawid sa riles habang 50 metro na lang ang layo ng parating na tren. Ngayon, 10 metro na lang ang layo, tinatawid mo pa ang riles dahil pag di ka umabot, 30 minuto pa uli hihintayin mo bago makasakay.

#ang mga tao ay walang kyemeng umusog at magpakasya ng kapwa pasahero, di tulad sa MRT na nagsisigawan ang mga tao ng "tama na, wala na!" Ikaw ba naman sa kalagayan nila, pag di ka nagkasya, 30 minuto din ang hihintayin mo uli bago makasakay.

#kung ikaw ay southbound, iiwasan mong sumakay ng pasado 9:00 na ng umaga dahil sa malamang, ordinary tren na ang masasakyan mo. Makatipid ka man ng Php2 sa pamasahe, malaki naman ang tsansang matsambahan kang matapunan ng **** ng mga salbahe sa riles mula pandacan hanggang paco at hinding hindi mo ito gugustuhin.

#ang paalala na naririnig mo sa PA system ng tren ay hindi “Para sa inyong kaligtasan, maaari po lamang na humawak sa mga handrails,” kundi “mag-ingat po tayo sa mga taong mapagsamantala o yung tinatawag nating mandurukot.”

#hindi uubra ang iyong pagtutulug-tulugan pag may buntis na nakatayo sa harap mo habang ikaw na ay nakaupo dahil praprangkahin ka ng mga katabi mo na tumayo at ibigay dito ang upuan mo.

#pag ikaw ay babae, hinding hindi mo gugustuhing sumakay at maipit sa coach ng mga lalaki dahil kahit karamihan ng sakay nito ay yuppies ng Ayala, may ilang porsyento ding nakasleeveless lang na may bonus na basakil at hinding hinding mo gugustuhing ma-sandwich ng mga ito.

#kahit may aircon, lahat ng tao ay may pamaymay at pamunas dahil uso dito ang sharing, di ng pagkain o salita ng Diyos, kundi ng pawis at kung ano ano pang likido na nilalabas ng katawan.



*** to be continued

No comments: